"Ang musika, pelikula, sining at entablado ang pinakamatalas na sandata ng isang bayan." - Atty. Jimmy Bondoc
Sumama ka na!Sa sama sama nating pagtataguyod ng BOSES, makakamit natin ang pangarap ng bawat isang manggagawa ng musika, pelikula, sining at entablado.
Nag-aral ako sa Ateneo, at nagteatro mula kabataan. Sa grade school, ako po ay bumida sa mga dula ng Ateneo Children's Theater sa pamumuno ni Mariano Singson. Sa high school, ako naman ay pinalad maging bahagi ng Dulaang Sibol sa pamumuno ni Dr. Onofre Pagsanghan.
Sa kolehiyo, nagsimula akong umawit-propesyunal sa mga banda na aking itinaguyod. Taong 1997 ako nakapagtapos sa Ateneo at simula noon, BOSES na lamang ang aking pangunahing puhunan. Dito ako naging saksi sa hirap ng mga kasama sa industriya.
Noong 2017, ako ay pumasok sa Law School at nagtapos sa University of the East. Naging ganap na abogado noong 2023. Sa buong panahon na ito, ako ay nagtrabaho bilang kawani ng gobyerno sa PAGCOR. Ang trabaho ko po doon ay Community Service bilang appointee ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Pangarap ko po ang maging BOSES. Para sa akin, ang entertainment industry ay ang pinakamatalas na sandata ng isang bayan. Ang industriya ay kailangan alagaan at regulahin ng pamahalaan. Sa kongreso, itataguyod natin ang pagtatayo ng isang tanggapan at institusyon na didinig sa mga hinaing ng mga manggagawa ng nmusika, pelikula, sining at entablado.
Bawat isa ay ipinanganak na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga karapatan. Sila ay pinagkalooban ng pang-unawa at konsensya at dapat kumilos sa isa't isa na may diwa ng pagkakapatiran.
Ang bawat isa ay may kalayaan na magkaroon ng mga opinyon nang walang panghihimasok ninuman at hindi alintana ang mga hangganan.
Ang bawat isa ay may karapatan sa trabaho, sa malayang pagpili ng hanapbuhay, sa makatarungan at maginhawang kondisyon ng trabaho, at sa proteksyon laban sa kawalang-trabaho.